Walang umatras sa lahat ng mga kalahok sa Laban ng Lahi Platoon run na inilipat ang petsa sa , 2020 sa kabila ng pinakikiramdamang sitwasyon ng pandemya na unang nakatakda sana sa Setyembre 18. 2020
Sa paliwanag ni President and Founder Laban ng Lahi sports events Captain Joenel Pogoy ng Philippine Airforce, lahat ng mga partisipanteng 33 bawat koponan ay handa pa ring sumabak at tumakbo sa Bislig, Surigao nang maging panauhin siya sa TOPS Usapang Sports on Air kahapon. “Na-coordinate na namin na magiging successful ang event bagamat wala pang nakatakdang petsa dahil most likely kung magwo-worsen ang pandemya at wala pang vaccine ay baka i-postpone na namin uli. Pero every year may champion tayo.”
Sa ngayon ay nakahanda sila sa kanilang guidelines at health protocols anuman ang iatas ng Inter-Agency Task Force (IATF), “Waiting kami sa positive development. Hindi pa kami nag-usap ng personal at naghihintay kami sa official declaration ng project, for us to proceed the project. Once na may clearance na we can start, that’s the time we have to submit the formal letter to IATF. We are happy at marami nang sponsor at hindi kami kabahan para ituloy ang lahat. Sa ngayon ay minimum 50 participants sa running competition na hindi sabay-sabay tatakbo, after 10 mins, takbo ang next.”
Nabanggit din niya na wala namang umatras na team dahil sa pandemya. “Excited pa lalo ang mga runner dahil saan pa ba sila, eroplano, hotel at pagkain ay libre na pong lahat. Maliban na lang sa mga late participants na sasali ay magiging sarili na nila ang gastos.”
Tuloy pa rin naman ang paglahok ng mga senior citizen sa Laban ng Lahi dahil una nang nagparehistro ang mga ito at titiyaking isolate sila at magkakasama sa isang eroplano pagpunta sa venue maging sa hotel accommodation at iyan ay ipapa-facilitate sa IATF.
Iniimbitahan din ni Capt. Pogoy na bumuo ng isang team ang malalaking kumpanya upang makalahok lalo na at nanatili ang P3-M na premyo sa magkakampeon na troops. Kasama rito ang pangakong P1-M ni Senator Manny Pacquiao.
Pinangakuan din niya ang ang Blackwater elite ni coach Nash Racela na ipinagpasalamat naman ng huli kung may lalahok na team ang kumpanya ay libre na ang mga ito sa mga akomodasyon maging ang iba pang team ng mga kumpanyang sumusuporta sa sports. “Malaking tulong ito sa corporate company na magparticipate na matulungan ang livelihood project sa lugar. The more project ang darating nationwide. Yan ang dahilan kaya natulungan kami ni Pacquiao.”
Handa rin na magpaliwanag sila sa PSC, GAB at IATF, “Willing kami na makipag-usap, we want to have a maximum participation, this is all about the Filipino not only marathon. Ayaw natin ng patayan, ayaw ng kaguluhan. In this case, sa ganitong competition sa lahat ng province, nagkakaisa ang Pinoy.
Pagdating sa seguridad ng mga kalahok at mga manonood, aniya, “Ang security ay pamamahalaan ng Phil Army, coordinate sa AFP, police visibility, security martials along the road of course with the coordination with the host city.”
Nang tanungin hinggil sa interes ng foreign teams na lumahok, “Interesado pa rin ang mga foreign, free kasi ang eroplano, concern lang nila ay iyong magulo, hindi natuloy ang team ng Netherlands, dahil sa isyu ng Martial Law sa Mindanao, but the rest, next year tuloy may mga lalahok pa,” pagtatapos ni Capt. Pogoy